PAGKATAPOS ng Cambodia, pa-Thailand naman si Pangulong Bongbong Marcos bukas para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpopokus si Marcos sa food security, energy security at climate change mitigation sa kanyang pakikipagpulong sa mga kapwa lider sa APEC Summit.
Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Marcos sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) na gagawin sa Bangkok mula Nobyembre 16 hanggang 19 bilang pangulo ng bansa.
Ito rin ang kauna-unahang in-person meeting ng mga miyembro mg APEC simula nang pumutok ang Covid-19 noong 2020.