TULOY pa rin ang gera kontra droga na sinimulan ng dating Pangulong Duterte, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, bagamat kakaibang implementasyon ang gagawin ng kanyang administrasyon.
“The war on drugs will continue but we have to do it in a different way. Until we formulate fully our policies, hindi pa natin masasabi…Even as we speak, there are a working group putting together…” sabi ni Marcos sa panayam ni Toni Gonzaga sa AllTV.
Idinagdag niya na ito ang dahilan kung bakit hindi niya isinama ang isyu ng droga sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong nakaraang Hulyo.
“We are looking more for in the upstream, upstream of the problem, the prevention. Turuan natin ‘yung mga bata: ‘Huwag kayong papasok sa ganyan. Wala kayong aabutin diyan. Karamihan ng pumasok diyan, either nakakulong na o patay na. So ba’t niyo gugustuhin ‘yun ‘di ba?” dagdag ni Marcos.
Kasabay nito, hindi naman direktang sinabi ni Marcos kung pabor siya o hindi sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.
“Death penalty is tough one because there is a practical issue and a moral issue involved. And the question is, do the society have the right to kill its own people? And that’s a tough one to get around… And as a practical matter, does the death penalty, actually, does it discourage people from committing heinous crimes? And I think the data, not only from the Philippines but from other countries, shows that we have to be very stringent about applying the law,” aniya.