UMALIS na patungong New York si Pangulong Bongbong Marcos Linggo ng umaga para dumalo sa ika-77 United Nations General Assembly.
Alas-8 ng umaga nang umalis ang pangulo. Ito ay matapos siyang bigyan muna ng departure honors sa Ninoy Aquino International Airport. Kasama sa nagbigay sa kanya ng pagpupugay ay sina Vice President Sara Duterte, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, at Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr.
Pagdating sa Amerika, agad na magtutungo ang pangulo sa New Jersey Performing Arts Center para makipagkita sa Filipino community roon.
Nakatakdang magsalita sa Marcos sa UN high-level debate sa Martes, Setyembre 20, alas 3:15 ng hapon (New York time). Doon ay tatalakayin ng pangulo ang isyu hinggil sa climate change, rule of law at food security.