MULING bibiyahe si Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakatakda siyang magtungo sa Japan para sa isang working visit mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023.
Ito’y sa kabila naman nang naunang pahayag ni Marcos na lilimitahan na niya ang kanyang mga biyahe.
Ito na ang ika-siyam na biyahe ni Marcos mula nang maupo bilang pangulo ng bansa noong Hunyo 30, 2022.
Sa isang briefing, sinabi ni Foreign Affairs Office of Asian and Pacific Affairs Assistant Secretary Neal Imperial na ang pagbisita ni Marcos ay bunsod na rin ng imbitasyon ni
Japan Prime Minister Kishida Fumio.
“The official working visit is expected to reaffirm the strong and vibrant relations between the two countries. It also seeks to maximize the full potential of the Philippines-Japan strategic partnership in all its aspects and facilitate closer defense, security, political, economic and people-to-people ties. During the visit, we anticipate the signing of seven key bilateral documents or agreements covering cooperation in infrastructure development, defense, agriculture and information and communications technology – areas that are in the President’s priority agenda,” sabi ni Imperial.
Idinagdag ni Imperial na kabilang sa bahagi ng opisyal na delegasyon ni Marcos sina
Senate President Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Secretary for Foreign Affairs Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Raphael Lotilla, Tourism Secretary Christina Frasco, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Communications Secretary Cheloy Garafil.