PINANGUNAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang ika-105 anibersaryo ng amang si yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
“Marami rin ang nagtatanong, bakit tayo nagse-celebrate ng birthday ng ating minamahal kahit siya’y wala na. And I think it is only to keep — that we do this to keep his memory alive,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati.
Nauna nang idineklara ng Palasyo ang special non-working holiday sa Ilocos Norte sa Lunes, Setyembre 12, bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng kaarawan ni Marcos Sr.
“It is a rebirth, of not perhaps the physical body of Ferdinand Marcos, but it is a rebirth of his dreams, of his wisdom, of his love for his country. So let us keep that flame alive. It is reborn. Let us keep it strong and bright and let it guide us through all that we do in the future in the service of our beloved Philippines,” ayon pa kay Marcos.