Marcos itinalaga si Lumagui bilang BIR Chief

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang tax lawyer na si Romeo Lumagui Jr. bilang bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pormal nang nanumpa ngayong araw si Lumagui bilang bagong Commissioner ng BIR.

Nagsilbi si Lumagui bilang deputy commissioner ng BIR.

Dati ring nanungkulan si Lumagui bilang technical assistant para sa commissioner, tax fraud head ng Revenue Region No. 6, Manila, Revenue Region No. 4, Pampanga, at Revenue Region No. 7B, East NCR.