WALANG puwang sa Pilipinas ang paninira.
Ganito ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya sa pagitan nila ni dating Pangulong Duterte at kani-kanilang mga kaalyado.
Sa kanyang ipinost na video sa YouTube nitong Linggo, nanawagan si Marcos ng pagkakaisa at pagbabago sa nakagawiang ugali.
“The success of this call lies in our unity. In the new Philippines, there is no place for defamation and efforts to drag one another down. Let us put our nation first,” pahayag ni Marcos.
“It is time for us to change. Because there is no new Philippines if there is no new Filipino,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Marcos ang panawagan bunsod ng mga maaanghang na akusasyon na binitiwan ng kanyang sinundang pangulo, kabilang na rito ang pagtawag sa kanya na adik. Nito ring mga nakaraang araw ay nanawagan si Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas.
Maliban dito, nasa gitna rin si Marcos sa nangyayaring bangayan sa pagitan ng Kamara at Senado dahil sa isinusulong na Charter Change.