WALA pang balak bumitiw sa kanyang pwesto bilang Agriculture Secretary si Pangulong Bongbong Marcos.
Anya, hindi siya magbibitiw sa DA hangga’t hindi naipatutupad ang mga reporma na gusto niyang mangyari sa kagawaran.
“Very deeply embedded ang mga problema natin sa agrikultura. Ito ay nangyari sa nakaraang napakaraming taon. Kaya’t hindi ganoon kabilis, hindi ganoon kadali na ibalik sa ating magandang sistema dati. Kaya’t I think I am still needed there,” sabi ni Marcos.
“So I think when we are able to say that the DA’s functions are properly institutionalized, and the structural changes that we need to make in the DA have been made, and the appointments in the DA have already been made, then saka ako bibitaw. Because then, they don’t need me anymore, they don’t need the President heading the department,” dagdag pa niya.