Site icon Pinoy Publiko

Marcos handang makipag-ayos sa mga Duterte

HANDANG makipagkasundo sa pamilya Duterte si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito anya ay dahil kailangan na magkaisa at para na rin sa political stability ng bansa, ayon sa pangulo sa unang episode ng “PBBM Podcast” na umere ngayon Lunes.

Giit niya lagi umano siyang bukas para ayusin ang sigalot sa mga Duterte.

“Gusto niyo bang makipagkasundo pa sa mga Duterte? Oo. Ako ayaw ko gulo. Gusto ko makipagkasundo sa lahat ng tao. Marami na kong kaaway, hindi ko na kailangan ng kaaway. Ang kailangan ko kaibigan,” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa nito na prayoridad ng kanyang administrasyon ay masiguro ang istabilidad at mapanatili ang kapayapaan para makakilos ng maayos ang gobyerno para sa kapakanan ng taumbayan.

“Hangga’t maari ako ang habol ko ay stability, peaceful para magawa namin ang trabaho namin. Ako palagi akong bukas sa ganyan. I’m always open to any approach na ‘halika mag-tulungan tayo’,” dagdag pa nito.

Ginawa ng pangulo ang pahayag ngayon na lalong tumitindi ang iringan sa pagitan ng mga kaalyado ng administrasyon at kampo ni Vice President Sara Duterte.

The President’s remarks come amid increasing political friction between allies of the administration and supporters of Vice President Sara Duterte.

Marcos and Duterte ran and won convincingly under the UniTeam Coalition in the 2022 election.

Exit mobile version