IPINAG-UTOS ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalawig ng suspensyon ng operasyon ng electronic sabong or e-sabong
“There is an urgent need to reiterate the continued suspension of all e-sabong operations nationwide, clarify the scope of existing regulations and direct relevant agencies to pursue aggressive crackdown against illegal e-sabong operations, in accordance with law,” sabi ni Marcos sa pinirmahang Executive Order No. 9, noong Disyembre 28.
Sakop ng EO Number 9 ang pagbabawal sa live-streaming o broadcasting ng live cockfight sa labas ng mga sabungan.
“The state has the paramount obligation to protect public health and morals and promote public safety and general welfare,” aniya.
Matatandaang pinatigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabing noong Mayo 3, 2022.