ILALAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes sa mga pangunahing isyu na higit na pinahahalagahan ng mga Pilipino, ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez.
Dahil dito, tutuon ang pangulo sa mga usaping may kinalaman sa economic recovery program ng bansa mula sa pandemya, ang kinakaharap na food crisis at ang muling pagbabalik ng 100 percent face-to-face classes.
“It’s all about our economy, the economic plans. With the face-to-face opening of this coming school year, it’s all about COVID response. And when we speak of COVID response, it’s not only about health. It goes all the way to the entire cycle,” ayon kay Rodriguez.
“[So it’s] not just health, you go into economy, you go into education, and so on and so forth,” dagdag pa niya.
Naunang sinabi ni Rodriguez na mismong si Marcos ang nagsusulat ng kanyang speech para sa SONA.