NO SHOW si Panguloing Bongbong Marcos sa pagdiriwang ng World Food Day sa Department of Agriculture (DA) dahil umano sa conflict of schedule.
Sa isang advisory, sinabi ng DA Public Affairs Office na may iba pang iskedyul si Marcos ngayong Lunes.
“Hindi po matutuloy na dumating si PBBM sa DA World Food Day celebration mamayang 3PM sa DA Grounds, may conflict po sa schedule ni PBBM,” sabi ng DA.
Nakatakdang dumalo si Marcos sa Philippine Tourism Industry Convergence Reception at Convention Center Mall of Asia Complex sa Pasay City na nakatakda ganap na alas-5 ng hapon.
Nirepresenta si Marcos ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa pagdiriwang.
Samantala, nag-piket ang mga magsasaka sa harap ng DA bilang paggunita sa
World Food Day.