IPINAGTANGGOL ng asosasyon ng mga court judges ang isang hukom matapos itong kondenahin ng dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy.
Sa isang pahayag, kinondena ng Hukom Inc., ang naging pahayag ni Badoy sa social media bagamat ito’y kanyang binura na.
Nauna nang inakusahan ni Badoy si Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Presiding Judge Marlo Apalisok Magdoza-Malagar na umano’y tumatayong abogado ng CPP-NPA matapos ang pagbasura sa petisyon ng Department of Justice na humihiling na ideklara ang rebeldeng grupo bilang terorista.
Tinawag ni Badoy si Magdoza-Malagar bilang “friend” at true ally” ng CPP-NPA.
“We, members of Hukom, Inc., an organization of trial court judges, view these acts (e.g., red-tagging, online vilification, doxxing, etcs.) as attacks on the rule of law and the indepence of the judiciary,” sabi ng Hukom sa isang pahayag.