Malacañang nakidalamhati sa pagpanaw ni PNoy; bandila ng Pilipinas naka-half mast

INILAGAY sa half mast ang bandila ng Pilipinas sa Malacañang bilang pagdadalamhati ng bansa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.


Kasabay nito, nag-alay ng dasal si presidential spokesperson Harry Roque para kay Aquino.


“We condole with the family and loved ones of former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III as we extend our condolences on his untimely demise,” sabi ni Roque.


“We are grateful for the former President for his contribution and services to the country, and we ask our people to offer a prayer for the eternal repose of the former Chief Executive. Rest in peace, Mr. President!” dagdag ng opisyal.


Naka-half mast din ang watawat ng Pilipinas sa Senado habang nagpaabot ng pakikiramay ang mga senador at kaalyado sa Liberal Party sa pagpanaw ng dating pangulo.


Sinabi ni Senate Presidente Vicente Sotto III na kahit saan mang panig ng politika, kapag may dating pangulong pumanaw, ang buong bansa ay magluluksa.


Ipinaabot din ng LP ang kanilang pagluluksa sa pagpanaw ni Aquino na Chairman Emeritus ng partido.


“Sinasalamin ng tawag nating lahat sa kanya— PNoy— ang diwa ng kanyang pagka-Pangulo: Tunay na kaisa ng karaniwang Pinoy; sumasagisag sa pinakamatataas nating ideyal; may tapang at sigasig sa harap ng maraming hamon.”


Si Aquino ay namatay sa edad na 61 dahil sa renal failure. Naging senador siya mula 2007 hanggang 2010. — WC, A. Mae Rodriguez