Malacañang kay Isko: Get well soon

HANGAD ng Palasyo ang agarang paggaling ni Manila Mayor Isko Moreno na nagpositibo sa Covid-19 sa kabila nang pagiging bakunado, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.


“Well, unang-una po, we wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon,” ani Roque.


Kasabay nito, klinaro ni Roque na walang sinabi ang mga eksperto na magiging garantiya ang bakuna upang hindi tamaan ng Covid-19.


“Ang sinasabi po ng mga eksperto, lahat po ng bakuna natin epektibo para maiwasan ang seryosong pagkakasakit o pagkakamatay dahil po sa Covid-19,” aniya.


“So, iyan pong karanasan ni Yorme ngayon, sa tingin ko naman po precaution iyong kanyang pago-ospital pero sa tingin ko po ay siguro po moderate ang magiging kaso niya at hindi na po siya magiging kritikal dahil bakunado na po siya,” dagdag ni Roque. –WC