NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara na naglalayong imbestigahan ang nangyaring hostage-taking kay dating Senador Leila De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Inihain nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. ang House Resolution 473 sa pagsasabing ipinakita ng insidente kung gaano nanganganib ang buhay ni De Lima kahit sa loob ng detention center.
“There is a need to thoroughly investigate the hostage-taking incident considering that the PNP Custodial Center is a maximum security facility and is well within the headquarters of the PNP,” sabi ng resolusyon.
Napatay naman ang tatlong preso na sina Feliciano Sulayao Jr., Idang Susukan at Arnel Cabintoy matapos magtangkang tumakas at i-hostage ang dating senador.