Maghain kayo ng kaso sa Ombudsman, hamon ni Digong sa Senado

HINAMON ni Pangulong Duterte ang mga senador na maghain na lamang sila ng kaso sa Office of the Ombudsman kung may ebidensiya sila kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga mask at face shield.

“If the Senate Blue Ribbon Committee thinks it has gathered enough evidence of corruption or malfeasance from its current inquiry, then by all means, bring your case to the Ombudsman or to the proper courts,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the Nation na inere Lunes ng gabi.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa harap ng patuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng Senate blue ribbon committee hinggil sa korupsyon sa pagbili ng mga personal protective equipment (PPE).

Ngayong araw ay itutuloy ng blue ribbon committee na pinangungunahan ni Senador Richard Gordon ang pagdinig hinggil sa isyu.