BUONG suporta ang ibibigay ng Liberal Party kay Vice President Leni Robredo kung sakaling magdeklara ito nang pagtakbo sa pampanguluhan sa darating na 2022.
Gayunman nilina ni LP spokesman at Caloocan Rep. Edgar Erice na kung sakaling umayaw naman si Robredo at pipiliin na lamang tumakbo sa lokal na pamahalaan, hindi nangangahulugan na susuportahan ng partido si dating Senador Antonio Trillanes IV.
“If Vice President Leni will signify her intention to seek the presidency, LP will support her. But if she opted not to, we will find a possible presidential candidate who possesses the party’s sentiments and beliefs,” paliwanag ni Erice.
Pero hindi umano si Trillanes ang ilalagay ng LP lalo pa’t wala pa namang malinaw na usapan ang partido kung sino ang magiging pambato nito maliban kay Robredo.
Nauna nang naghayag ng kanyang intensyon si Trillanes na “willing”. siyang maging pambato ng 1Sambayan kung sakaling piliin ni Robredo na tumakbo na lamang sa pagkagobernador ng Camarines Sur.
Madali namang sinagot ng kampo ni Robredo si Trillanes na hindi pa tuluyang nagdedesisyon ang pangalawang pangulo hinggil dito.