Leni Robredo tatakbong pangulo sa 2022

PORMAL nang inanunsyo ni Vice President Leni Robredo na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Sa kanyang announcement Huwebes ng umaga mula sa kanyang tanggapan sa Quezon City, sinabi ni Robredo na buong-buo ang kanyang loob na ilalaban ang sarili at buong bansa para sa pampanguluhang eleksyon sa darating na taon.

“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa 2022,” deklarasyon ni Robredo.

Una nang idineklara ng 1Sambayan ang pag-nominate kay Robredo bilang pambato nito sa darating na halalan.