KUNG gusto talaga ng pamahalaan na bigyang-pugay ang mga manggagawa, dapat nitong masolusyunan ang mga problema na matagal nang kinakaharap ng mga ito, ani Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang Labor Day message, pinuri ni Robredo ang kobtribusyon ng mga manggagawang Pinoy sa lipunan at kasaysayan.
Pero idinagdag niya na ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay hindi lamang ukol sa pagpupugay at pagkilala sa sakripisyo ng mga manggagawa kundi pati sa paghahanap ng kongkretong aksyon sa mga isyu na matagal nang nililigalig ang nasabing sektor.
Kabilang rito ang contractual labor, pang-aabuso sa mga migrante at lokal na manggagawa, at mga paghihirap na bunsod ng pandemya, gaya ng kawalan ng trabaho at kakulangan sa public transportation.
“Ipinakita sa atin ng pandemya ang manggagawang Pilipino ang lakas ng ating ekonomiya. Sama-sama nating itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan, at sama-sama tayong sumulong sa mas ligtas, mas patas, at mas makataong mundo para sa bawat manggagawa at bawat Pilipino,” ani Robredo.
Samantala, kinilala naman ni Pangulong Duterte ang kadakilaan ng manggagawang Pilipino, partikular ng mga health workers at essential frontliners, na patuloy ang pagsisilbi sa bayan sa gitna ng pandemya.
“Today, we find new meaning in our annual commemoration of Labor Day. This year, we honor our Filipino workers who— fueled not just by the desire to support their families and advance their careers— have tirelessly toiled these past several months to ensure that our society will continue to function in the face of an unprecedented health crisis that crippled industries around the world,” ani Duterte.
Bilang kabayaran sa sakripisyong ito, sinabi ng Pangulo na “(the administration) will endeavor to work as vigorously as you have to ensure a safe and stable work environment, where workers’ rights are not only upheld and protected but also cherished as the foundations of a strong and thriving workforce.”