PUPULUNGIN ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) upang tiyakin na maisusulong ang prayoridad na mga panukalang batas ng kanyang administrasyon.
Inaasahang dadalo sa LEDAC sina Vice President Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, at mga kinatawan mula sa Senado at Kamara.
Kabilng sa mga prayoridad na mga panukalang batas ng administrasyon ay ang National Government Rightsizing Program (NGRP); Budget Modernization Bill; Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) at ang Unified System of Separation, Retirement and Pension.
Inaasahan ding tatalakayin ang mga panukalang pang-ekonomiya gaya E-Governance Act; National Land Use Act; Tax Package 3: Valuation Reform Bill; Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at Internet Transaction Act or E-Commerce Law.
Kabilang din sa mga inaasahang matalakay ay ang National Defense Act; Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP); ang pagtatayo ng Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources; batas para sa natural gas industry; amendment sa Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136) at amendment ng Build-Operate-Transfer (BOT) Law.
Ipiprisinta rin ng mga lider ng Kamara at Senado agn kanilang mga prayoridad na panukala.
Ito ang kauna-unahang LEDAC sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.