BINATIKOS ng netizens ang magarbo at tila “insensitive” na kasal ni Dumper partylist Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista sa kanyang childhood friend na si Jose French “Tracker” Lim.
Ikinasal si Bautista sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon nitong Agosto 11 pero nauna na ang kanilang civil wedding noong nakaraang Pebrero.
Aniya ng netizens, insensitive ang pagsasagawa nito ng kasal sa kabila ng hirap na dinaranas ng sektor na kanyang inire-represent — and mga drivers — dahil sa epekto ng pandemya.
Si Bautista ang kinatawan ng partylist na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER).
Dalawa sa mainit na bumatikos sa kongresista ay ang aktres na si Agot Isidro at aktor na si Enchong Dee.
Tweet ni Agot “That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers.”
“And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista,” dagdag pa niya.
Tweet ni Enchong Dee, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”
“Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo,” tweet naman ni Ogie Diaz.
Nalaman ng publiko na si Michael Cinco ang may gawa ng kanyang wedding gown matapos itong i-post ng gown designer sa kanyang Instagram.
Ang gown ay sinasabing nagkakahalaga sa pagitan ng P700,000 hanggang P1.5 milyon.