KINUMPIRMA ng kampo ni presumptive president Bongbong Marcos na inalok ng posisyon sa Gabinete sina dating Labor secretary Bienvenido Laguesma at migrant workers’ advocate Susan ‘Toots’ Ople.
‘Yung sa ating selection process tuloy-tuloy. We are still searching. Just before he left for his much-needed vacation, may kinausap si president-elect Bongbong na dalawang personalidad,” sabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.
Nagsilbi si Laguesma noong panahon ni dating pangulong Joseph Estrada.
“They are still in the private sector at naging mainit naman yung pagtanggap ng dalawang personalidad. Ngunit humihingi lamang (sila) ng konting oras upang magnilay-nilay at mapag-isipan ‘yung alok ni president-elect Bongbong,” ayon pa kay Rodriguez.
Anak naman si Ople ng yumaong dating Labor secretary at Senador na si Blas Ople na nagsilbi noong panahon ni yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr.