Labor leader Leody De Guzman sasabak sa pres’l race

PORMAL na naghain ng kanyang kandidatura ang labor champion na si Leody de Guzman sa ika-anim na araw ng filing ng certificate of candidacy.

Tatakbo si De Guzman sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa na ang isinusulong ay ang kapakanan at karapatan ng bawat manggagawang Pilipino.

Noong 2019 midterm elections, tumakbo sa pagkasenador si De Guzman ngunit natalo. Nasa ika-38 pwesto lamang siya.