Kuya Wil tatakbong senador

HUMABOL sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy ang TV personality at host ng programang “Wil to Wiin” na si Willie Revillame ngayong Martes, Okt. 8, 2024.

Naghain ng kanyang kandidatura si Revillame bilang senador.

Sakaling mahalal sa Senado sa susunod na taon, sinabi ni Revillame na “makikipag-away siya sa Senado para sa mahihirap”.

Ayon pa sa 64-anyos na si Revillame na naudyok siyang tumakbo dahil sa nakikita niyang “girian” sa Senado. Nais niya anyang may “mabuting puso” ang maupo sa Senado.