Kaya raw ni-red mga pantry organizers, gobyerno takot sa libreng gulay –Binay

BINANATAN ni dating Vice President Jejomar Binay ang ginagawang pagre-red tag sa mga pasimuno ng mga community pantry organizers.


“Takot ba ang gobyerno sa libreng gulay? Is the government so threatened by the idea of people sharing what they have with the poor and hungry that it is now harassing and red-tagging community pantries?” ani Binay sa Twitter. “Kung sapat ang ayuda, wala sanang community pantries.”


Idinagdag niya takang-taka siya kung bakit itinuturing na masama ang pagtulong sa kapwa.


“Sharing what we have with others is a Filipino trait. It is a Christian virtue. You cannot suppress what is innately Filipino and Christian,” ani Binay.


“Hindi namimili ng binibigyan ng tulong ang community pantries. Lahat ay Pilipino na nangangailangan at napabayaan ng gobyerno,” sabi pa niya.