Kaso ni De Lima uusad pa rin – Digong

TINIYAK ni Pangulong Duterte na uusad pa rin ang mga kaso laban kay Senator De Lima sa kabila ng pagbawi ng mga testimonya ng dalawang testigo laban sa kanya kaugnay ng kasong ilegal na droga.

“Itong si (dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael) Ragos, well, he was a witness, but overall, we think that we can still prosper in the prosecution of De Lima,” sabi ni Duterte.

Kasabay nito, inakusahan din ni Duterte na sinuhulan si Ragos para bawiin ang pahayag kay De Lima.

“Ngayon, kung ikaw si Ragos, offer-an ka ng 50 million, saan kunin ni De Lima ‘yung pera? Sa drug lords. Eh siya ‘yung napreso dahil — tinutulungan na nila siya ngayon sigurado,” ayon pa kay Duterte.

Ayon pa kay Duterte, ipapardon ni Vice President Leni Robredo si De Lima sakaling siya ang manalong pangulo sa eleksyon sa Mayo 9.

“Iyong kay De Lima she si ranting, calling me names, eh babae ka kasi ma’am eh, so ayaw — ayaw kitang babuyin sa ano. Hayaan na lang kita….Kung manalo si ano, ang kandidato nilang presidente, ito lang ito, pardon ‘yan. Huwag kang mag-alala, pardon ‘yan or nabayaran,” dagdag ni Duterte.