TARGET ng Kamara na maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukalang 2023 budget na nagkakahalaga ng P5.268 trilyon ngayong Miyerkules matapos itong sertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Bongbong Marcos.
“We are right on track with our schedule. The certification from Malacañang will enable the House of Representatives to approve the 2023 GAB on second and third reading on the same day which we set on Wednesday,” ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Nitong Lunes, sinabi ng Palasyo na sinertipikahan ni Marcos bilang urgent ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Nangangahulugan ito na maaaring aprubahan ng Kamara ang panukala sa ikalawa ang ikatlong pagbasa sa isang araw.