IIMBESTIGAHAN bukas ng House Committee on Good Governance and Public Accountability ang kontrobersiyal na pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na pineke ang pirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa inilabas na Sugar Regulatory Administration (SRA) Board Resulution Number 4.
“We expect to be enlightened on what really transpired so that we will be able to make informed decisions on the matter. Our committee will endeavor to seek the truth in its pursuit of good governance and public accountability,” sabi chairman ng komite na si Bulacan Rep. Florida Robes.
Nauna nang nagbitiw si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang pwesto matapos na iturong pumirma para kay Marcos.