Kagutuman sa Pinas umakyat sa 11.8% – SWS

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na tumaas ang kagutuman sa bansa noong Diyembre 2021, matapos makapagtala ng 11.8% mula sa 10.0% noong Setyembre 2021.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021, umabot sa tatlong milyong pamilya ang nagsabi na nakaranas sila na hindi makakain sa nakalipas na tatlong buwan mula sa 2.5 milyon noong Setyembre 2021.

Mataas ito ng 1.8 points kumpara sa naitala noong Setyembre, 2021 bagamat mas mababa sa 16.8% na naitala noong Mayo 2021 at 13.6% noong Hunyo 2021.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,440 n indibidwal.