SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na target ng administrasyon na maging tuloy-tuloy ang implementasyon ng ‘Kadiwa ng Pasko’ kahit pagkatapos ng kapaskuhan para makabili ang mamamayan ng mga murang bilihin kagaya ng P25 kada kilo ng bigas.
“Magtutulungan na ang Office of the President at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy.,At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa ng Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. Hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para maging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili,” dagdag ni Marcos matapos bisitahin ang ‘Kadiwa ng Pasko’ sa Quezon City Hall.
“Kaya kung kakayanin nung sistema ninyo ang Quezon City, eh kakayanin ‘yung mas maliliit. Kaya’t we were looking and seeing ano ‘yung mga kung tawagin ay best practices ay tinitingnan namin para maging mas maganda,” dagdag ni Marcos.
Bukod sa bigas, mabibili rin sa ‘Kadiwa ng Pasko’ ang P170 kada kilo ng sibuyas sa harap naman ng pagtaas ng presyo nito sa mga palengken na umaabot na ng P300 kada kilo.
Base sa orihinal na iskedyul ng ‘Kadiwa ng Pasko, isasagawa ito kasa araw ng sweldo hangang Disyembre 31, 2023.