NAIS ni Senador Lito Lapid na ipagbawal ang anumang uri ng junk food at matatamis na inumin sa loob ng mga paaralan.
Ayon sa senador, ito ay isang paraan para mabawasan ang lumalalang kaso ng obesity at manutrition sa hanay ng mga batang Pilipino.
Sa kanyang Senate Bill No. 1231, nais ni Lapid na gumawa ang pamahalaan ng malusog na food at drink program para sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school at iba pang learning institution.
Naniniwala ang senador na ang masustansiyang pagkain ay nakatutulong para sa mas magandang performance ng mga bata sa eskwela.
“If we ensure that students have access to food with high nutritional value, we can make sure that their health will improve as well as their performance in school,” ani Lapid.
Nais din ni Lapid na ipagbawal ang pagbebenta ng mga junk food hindi lamang sa loob ng paaralan kundi sa labas nito na may 100 metro ang layo.