Jinggoy susubok muli sa Senado, nag-file ng COC

MULING susubok si dating Senador Jinggoy Estrada na makabalik sa Senado sa darating na 2022 elections.

Alas-2:55 ng hapon Linggo nang magtungo sa Garden Tent sa Sofitel hotel sa Pasay City si Jinggoy para mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkasenador.

Nitong Sabado, ang half-brother niyang si dating Senador JV Ejercito ang nag-file ng kanyang COC. Target din ni JV na makabalik sa Senado.

Parehong talunan ang dalawa noong 2019 elections nang pareho silang tumakbo sa pagkasenador.

Kasalukuyang nahaharap si Jinggoy sa P183-milyon plunder case sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Siya ay pinayagan na makapag-piyansa noong 2017.