ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos Jr. si Lilia Guillermo, dating deputy Commissioner ng Bureau of Internal Revenue bilang bagong pinuno nito.
“Marcos has chosen Lilia C. Guillermo, a former Deputy Commissioner of the BIR, to head the country’s leading tax collection agency as Commissioner-designate,” ayon kay Press secretary-designate Rose Beatrix Cruz-Angeles sa isang kalatas.
Kasalukuyang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas si Guillermo, at hawak nito ang BSP Technology and Digital Innovation Office na siya ring nasa likod ng IT Modernination Roadmap of 2018-2033.
Si Guillermo ang nasa likdo ng matagumpay ng pagpapatupad ng Philippines Tax Computerization Project, isang modernong tax collection systemp na ipinatutupad ngayon sa BIR at Bureau of Customs.
Kasabay na itinalaga ni Marcos sa BIR ang abogadong si Romeo “Jun” Lumagui Jr. bilang Deputy Commissioner for Operations.
Samantala, itinalaga rin ni Marcos ang retiradong police general na ri Ricardo de Leon bilang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General.
Kasalukuyang presidente ng Philippine Public Safety College si De Leon, na classmate naman ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine Military Academy (PMA) “Matatag” Class of 1971.