Isko naghubad, publiko nawindang

HINDI pa rin nakaka-move on ang publiko ang ginawang paghuhubad ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno sa Payatas, Quezon City kamakailan.

Kung marami ang naaliw sa ginawa ni Isko, mas marami ang na-turn off sa paandar ng alkalde.

“Naku po, bakit may kasamang entertainment? Anong kaugnayan nyan sa mga plano mong maging presidente? Saan na tayo pupunta nyan yorme?”

“Ewan ang dami mong pakulo na walang kabuhay buhay. Yan ba ang pag aksayahan niyo ng boto niyo na gusto niyong maging presidente?”

“Kadiri. Plain and simple. Unbecoming of a presidential candidate. Kaloka.”

“Ano ba yang palabas mo Isko? Nakakawalang respeto.”

Makikita sa kumalat na video na hinubad ni Isko ang polo niya na basa ng pawis saka inihagis ito sa audience.

Nagtilian naman ang mga nanonood.

“Sigurado mamayang gabi hindi ka makakatulog, nandiyan na lahat ng ispiritu ng ating Yorme,” ayon sa host sa residente na nakasalo ng damit ni Isko.

“Ibinigay na lahat sa ‘yo. Isahod mo sa planggana. Sigurado yung katas niyan, parang fertilizer yan!” dagdag niya.

Agad namang nagpunas ng pawis si Yorme at nagpalit ng damit na nakasulat ang kanyang pangalan.