MALAKI umano ang posibilidad na mabuo ang tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Grace Poe para sa darating na 2022 presidential elections.
Sa ulat ng News 5, niluluto na umano ang posibleng pagtatambal ng dalawa na tinaguriang “dream team” na siyang babangga sa mamanukin ng administrasyon.
“They are the team to beat,” ayon sa source ng network na sinasabing involved sa nangyayaring negosasyon sa pagitan ng dalawang kampo.
“I was told Senator Poe has agreed to run as vice president to Isko Moreno. The partnership will soon be announced before the filing of candidacies next month,” ayon sa source ng TV network.
Inaasahan na magbibigay ng kanilang mga opisyal na pahayag sina Moreno at Poe sa mga susunod na araw.
Sakaling matuloy ang dalawa, tatapatan nila ang tandem nina Senador Bong Go at Pangulng Duterte na una nang ikinasa ng PDP-Laban at tambalang Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.
Si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagpahayag na rin na hindi na lalahok sa presidential race habang si Senador Manny Pacquiao ay hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag ukol sa kanyang desisyon.