UMAKYAT sa 5.4 porsiyento ang inflation rate sa bansa ngayong Mayo 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 4.9 inflation rate na naitala noong Abril 2022.
Sinabi ng PSA na ang presyo ng pagkain, non-alcoholic beverage at ang presyo ng produktong petrolyo ang nagpapataas sa inflation sa bansa.
Ito na ang pinakamataas mula nang naitala ang 6.1 na inflation rate noong Nobyembre 2018.
Iginiit naman ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.