SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang inflation rate sa bansa sa 6.1 porsiyento sa Hunyo 2022.
“The Philippines’ annual headline inflation continued to move at a faster pace of 6.1 percent in June 2022,” sabi ng PSA.
Idinagdag ng PSA na ito na ang pinakamataas na inflation rate simula noong Oktubre 2018.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa mas bumaba na ang purchasing power ng piso ngayon kumpara noong 2018.
Anya ang halaga ng P1 noong 2018 ay 87 sentimo na lang nitong Hunyo.
Umabot naman sa 4.4 porsiyento ang inflation rate sa nakaraang anim na buwan ng 2022.
“The uptrend of inflation for June 2022 was primarily brought about by the higher annual growth rate in the index for food and non-alcoholic beverages at 6.0 percent, from 4.9 percent in the previous month,” dagdag ng PSA.