BAHAGYANG bumaba ang inflation rate sa bansa sa 6.3 porsiyento ngayong Agosto 2022 kumpara sa 6.4 porsiyento na naitala noong Hulyo 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na naitala naman ang kabuuang 4.9 porsiyentong inflation rate mula Enero hanggang Agosto 2022.
Bagamat bumaba, mas mataas ang naitalang inflation rate ngayong Agosto kumpara sa 4.4 porsiyento noong Agosto 2021.
“The slowdown in inflation at the national level in August 2022 was primarily due to the lower annual increment recorded in the index for transport at 14.6 percent, from 18.1 percent in the previous month,” sabi ng PSA.