LUMIPAD pa The Netherlands si Vice President Sara Duterte Miyerkules ng umaga para sundan ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihaharap sa International Criminal Court (ICC) para sa mga kasong crimes against humanity.
Ayon sa tanggapan ng Bise Presidente, umalis si Sara alas-7:40 ng umaga via Emirates flight no. EK 337 patungong Amsterdam, Netherlands.
Wala namang ibinigay na iba pang detalye ang tanggapan tungkol sa travel ni Sara.
Martes ng gabi nang ilipad ang dating pangulo via chartered plane patungong The Hague.
Pasado alas-8 Miyerkules ng umaga nang mag-landing sa Dubai ang eroplano nito para sa refueling.