Imelda Papin itinalaga sa PCSO Board of Directors

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang singer-politican na si Imelda Papin bilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nanumpa si Papin sa Malacanang nitong Martes, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) Facebook post.

Papin na nakilala rin sa tawag na “Jukebox Queen” ay nagsilbing vice governor ng Camarines Sur mula 1998 hanggang 2004 at 2019 hanggang 2022.

Tumakbro ring senador ang singer noong 2010 ngunit hindi pinalad.