IKINAGULAT ni Senador Imee Marcos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes.
Papunta anya siya sa Palompon, Leyte para mangampanya nang malaman ang balita na arestado na si Duterte.
“Kawawa naman si Presidente Duterte…Ang akin kasi, hindi na tayo natuto. Gulo lang ang dulot nito,” pahayag ni Marcos nang makapanayam ng media.
Inihalintulad pa ng senador ang karanasan ng kanyang pamilya nang mapatalsik sila sa pwesto noong 1986 matapos ang EDSA People Power Revolution.