Imee Marcos nangulelat sa magic 12 ng Pulse Asia


DUMAUSDOS ang ranking ng reelectionist na si Senador Imee Marcos sa huling survey ng Pulse Asia para sa mga tumatakbong senador sa 2025 midterm elections.

Nasa ika-10 hanggang 14 place lang si Marcos sa survey ng ikinasa ng Pulse Asia mula Nob. 26 hanggang Dis. 3, 2024. Kasama ni Marcos sa pwesto ang reelectionist din na si Lito Lapid.

Nakuha ni Marcos ang voter’s preference na 37.5% mas mababa kaysa kay Lapid na 39.2%.

Nanguna naman sa nasabing survey si ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo (62.2%) at dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto (59.2%).

Nasa ikatlo at ika-apat na pwesto sina Senador Bong Go (54.7%) at Ben Tulfo (52.7%)

Nasa ika-lima at ika-anim na pwesto naman sina Senadora Pia Cayetano (46.5%) at Manny Pacquiao (45%)

Pasok din sa magic 12 sina dating Senador Ping Lacson (44.1%), Willie Revillame (43.6%), Senador Bong Revilla (43.5%) at Makati City Mayor Abby Binay (40.1%).