NAGPAHATID ng pakikiramay si Sen. Imee Marcos sa pamilya Aquino, ang kalabang mortal ng kanyang angkan, sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
“My heartfelt condolences to the family of former President Benigno C. Aquino III, a ‘classmate’ in Congress from 1998 to 2007,” ani Marcos sa kalatas.
“I will always treasure the memories of our long years together as freshmen legislators and members of a tiny opposition. For beyond politics and much public acrimony, I knew Noynoy the kind & simple soul. He will be deeply missed,” dagdag niya.
Matatandaan na ang ama ni Marcos na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ang nag-utos na arestuhin ang ama ni Aquino na si dating Sen. Ninoy Aquino noong nasa poder pa ito.
Tumakas naman patungong US noong 1986 ang pamilya Marcos makaaang mapatalsik sa pagkapangulo si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng People Power Revolution, na nagluklok naman sa puwesto sa ina ni Noynoy na si Corazon Aquino.