HINILING ng Kamara sa Department of Justice na ilagay sa immigration lookout bulltein ang pitong opisyal ng Office of the Vice President matapos isnabin ng mga ito ang kanilang pagdinig hinggil sa misuse ng OVP funds.
Ginawa ng House committee on good government and public accountability ang paghiling sa DOJ matapos mapaulat na balak umalis ng bansa ang pitong opisyal.
Ang mga ito ay sina OVP chief of staff Zuleika Lopez, assistant chief of staff and bids and awards committee chair Lemuel Ortonio, administrative and financial services director Rosalynne Sanchez, special disbursing officer Gina Acosta, chief accountant Julieta Villadelrey, former Education Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at kanyang mister na si Edward Fajarda, na kapwa aide ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng komite sa sulat nito kay Justice Secretary Crispin Remula na “crucial” sa kanilang isinasagawang pagdinig ang testimonya ng mga ito at kailangan bantayan ang kanilang galaw lalo’t napaulat na balak umalis ng bansa ang mga ito.
“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities,” ani Manila Rep. Joel Chua.
“This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” dagdag pa nito.