TAMA naman si Pasig City Mayor Vico Sotto nang sabihin nitong isang malaking “kalokohan” kung tatakbo siya sa pagkapangulo ngayong darating na 2022 elections.
Una, hindi nga naman siya qualified na tumakbo sa pagkapangulo base na rin sa requirements na hinihiniling ng provisions na nakasaad sa Konstitusyon.
Isa sa mga requirements dito ay dapat 40-taon gulang ang kandidato. Si Vico ay 32-anyos pa lang.
“Kalokohan lang yun. Una 32 (years old) lang ako,” mismong pagdedeklara ni Vico.
Pangalawang rason, wala sa hinagap niya anya ang posisyon ng pagkapangulo.
“I don’t entertain those thoughts, whether now or the future. Dapat magfocus ako sa trabaho ngayon,” mariing pahayag na alkalde.
Ikatlo, nais pa niyang ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga Pasigueño.
“Definitely. We’ve made a lot of gains pero sa totoo lang limited ang nagawa namin dahil sa pandemya,” pahayag ni Sotto.
Samantala, kinumpirma niya na nagkaroon sila ng meeting kasama si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
“To be honest wala naman talagang very detailed na napagusapan. More of kuwentuhan lang. We’ve talked to other groups as well. ‘Di naman ako involved sa national politics but of course if someone will reach out and want to talk…”