‘If you want me to die early, pray harder’: Duterte walang sakit, di magpapabakuna

MATAPOS ang dalawang linggo na hindi pagpapakita sa publiko na nagresulta sa mga haka-haka ukol sa kanyang kalusugan, lumutang kagabi si Pangulong Duterte upang patunayan na wala siyang malubhang karamdaman bago buweltahan ang mga tumutuligsa sa kanyang pamamahala.

Sa pre-taped national address, unang pinuntirya ni Duterte ang mga nagdadasal umano para sa kanyang maagang kamatayan.

“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go, you want me to go and you are praying for that,” aniya.

Sumunod naman ay si Sen. Leila de Lima na kumukuwestiyon sa umano’y kapalpakan ng pamamahala niya kontra-Covid-19

“Tama ‘yan sa’yo. Magtiis ka, p******** mo. Binastos mo ang Pilipinas ng droga diyan mismo sa national penitentiary,” ani Duterte. Inasar din niya si de Lima na kinarma ang senadora dahil sa mga pambabatikos nito sa administrasyon.

“Tutal nagtitiis ka e. Kami dito, we’re enjoying the times of our lives, you know, singing sometimes. Singing, loving. Ikaw, nasa presuhan. Magtiis ka, p******** mo,” aniya. “A b****, that’s what you are,” dagdag pa niya.

WALANG SAKIT

Iginiit din ng Pangulo na wala siyang sakit na makapipigil sa kanya na gawin ang mga tungkulin ng isang pinuno ng bansa.

“Kung sabihin mo na may sakit ako ngayon that could prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho,” aniya.

Dagdag niya: “Tatagal kaya ako? Eto prankahan tayo: Tatagal kaya ako dito sa p*tang in*ng pwesto na ito kung inutil ako? Would the military allow me to govern gano’n ang pamamalakad mo? Wala kang ginawa?”

Aniya, talagang sinadya niyang huwag magpakita sa publiko nang ilang araw. “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Pag kinakalkal mo ako, parang bata, pag lalo mo akong kinakantyawan e mas lalo akong gagana,” aniya.

“Sinabi ko, my residence is the city of Davao and if I want to go home there, on reasonable basis, I can because that is my home. And if I want to be unreasonable about it, ginagawa ko rin yan. Tutal naman ‘yung pampamasahe ko, hindi naman sa gobyerno,” dagdag pa niya.

Ipinagtanggol din ng Pangulo ang paglalaro niya ng golf at pagmomotor sa madaling araw.

“The reason I can swing my golf club and ride a motorcycle is because I can do it,” ani Duterte sabay dagdag na ginagawa niya iyon ng alas-2 ng umaga para di umano kumain sa oras ng kanyang pagtatrabaho.

AYAW SA BAKUNA

Kaugnay nito, tumanggi si Duterte sa alokasyong bakuna sa kanya at sinabing ibigay na lamang ito sa taong mabubuhay pa.

“Ako, magwe-waive ako because 70 above ako. Ano’ng makuha mo? Dream of what? Dream of living until kingdom come? Ako mag-waive ako. Kung sino’ng may gusto sa slot ko, ibigay ko,” sabi niya.

“Kung panahon ko na, either it’s COVID or a bala or whatever disgrasya, wala ako masyadong ano dyan sa illusions about life or death. If anyone wants to have it, they can have it. We (senior citizens) are not in the priority anyway kasi above ano na. Ang unahin natin ‘yung mabubuhay pa,” dagdag niya.