Site icon Pinoy Publiko

Huling SONA ni Digong: 45 minutes to 1 hour

Philippine President Rodrigo Duterte gestures as he addresses land reform beneficiaries on the 31st year of the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Tuesday, Aug. 27, 2019 in suburban Quezon city northeast of Manila, Philippines. Duterte, who is embarking on his Fourth visit to China on Wednesday, has been facing criticisms for his alleged closeness with China as well as the thousands of killings in his so-called war on drugs. (AP Photo/Bullit Marquez)

POSIBLENG tumagal lamang ng 45 minuto hanggang isang oras ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Lunes.

Ito ang sinabi ngayong Biyernes ni People’s Television Network (PTV) General Manager Katherine de Castro, base na rin anya sa ginawang rehearsal ng pangulo.

“Ang gusto niya talaga kung walang ibang mangyayari eh less than one hour ang kaniyang final SONA,” pahayag ni De Castro sa isang panayam sa ABS-CBN.

May last rehearsal anya ang pangulo sa Sabado sa Palasyo.

“It’s going to be his last rehearsal before the SONA itself, sa technical rehearsal, is really more of the sequence guide na mangyayari sa SONA,” aniya.

Dagdag pa ni De Castro, magkakaroon din ng 20-minute audio-visual documentary ng mga achievements at personal na buhay ng pangulo.

Exit mobile version