NANGAKO si Speaker Martin Romualdez na higit niya pang huhusayan ang pagtatrabaho ngayon na tumataas ang kanyang trust at satisfaction rating.
Sa survey na isinagawa ng Tangere survey nitong Sept. 16-19, nakakuha si Romualdez ng 46.3 percent satisfaction rating mula sa dating 45.55 percent; habang tumaas din sa 56.4 percent mula sa dating 56 percent ang kanyang trust rating.
“These numbers may seem like small figures to some but to me, they represent the collective faith of Filipinos I have the privilege to serve every single day,” ayon kay Romualdez sa isang kalatas.
Mataas ang nakuhang rating ng kongresista mula sa First District ng Leyte, sa Northern Luzon, Central at Eastern Visayas.
“I am especially grateful for the warm support from the Visayas region, where my roots are deeply grounded. You have always been there for me and I will continue to work hard to be worthy of your unwavering trust,” pahayag nito.
Nangako naman ito na mas gagalingan pa ng Kamara ang paglilingkod sa bayan upang marating ang pangakong reporma na tutugon sa matinding problema ng kahirapan, healthcare, at makapagdulot pa ng mas maraming trabaho at oportunidad, at mapalakas pa ang demokrasya sa bansa.
Sa isinagawang survey, 2,000 ang inusisra, 12 percent mula sa National Capital Region, 23 percent sa Northern Luzon, 22 percent sa Southern Luzon, 20 percent sa Visayas at 23 percent sa Mindanao.