ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda na gawing economic sabotage ang pagho-hoard, profiteering, at kartel sa mga produktong agrikultura.
Nais din ni Salceda na magtayo ng Task Force on Hoarding na siyang magri-raid ng mga warehouse.
Sinabi ni Salceda na ihahain niya bukas ang isang panukalang batas na naglalayong ipataw ang habambuhay na pagkabilanggo sa mga sangkot sa malakihang hoarding.
“It’s time to put greater teeth on the provisions of the Price Act as far as they apply to agricultural products. There is no economic crime more contemptible than knowingly depriving the people of food. That is the lowest depth of social evil,”sabi ni Salceda.
Sa ilalim na panukala ni Salceda pasok sa maaaring patawan ng economic sabotage ang mga nagtatago ng asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, carrot, isda at iba pang mga gulay.
Aniya, pasok sa economic sabotage ang mga nagtatago ng produktong agrikultura na nagkakahalaga ng mula P1 milyon hanggang P10 milyon.
“I want to give the government the legal basis to raid hoarders and cartels, and to punish them with the full brunt of the law. I especially think there is something bitter going on in the sugar sector,” aniya.